Martes, Mayo 20, 2014

KPOP o OPM?

Sa makabagong panahon ngayon samut' saring kultura na ang nakakapasok sa bansa. Hindi din natin maipagkaila na ang mga produkto ng ating bansa ay unti unti ng di tinatangkilik. Hindi naman natin masisisi ang bawat pilipino sapagkat tayo ay may kanya kanyang pananaw at impresyon sa bawat isa sa atin.

Noon pa man ang mga tao ay mahilig na sa musika lalong lalo na ang mga Pilipino. sumikat ang OPM sa bansa simula kina Freddie Aguilar hanggang sa panahon nina Angeline Quinto ay sumisikat parin. Pero paano kapag ang OPM na mga kanta ay unti unti ng naglalaho sa ating bansa, napansin naman natin na sa bawat pagbukas ng ating radyo ay puro foreign songs na ang ating naririnig, siguro kung man ako nagkakamali ay naririnig nalang natin mga OPM tuwing Sunday. OPM? malaki ang naiambag nito sa ating bansa lalo na yung Edsa revolution at yung digmaan. Tuluyan na ba talaga nating kalimutan ang OPM na mga kanta?

KPOP INVASION sa Pinas unti unti ng napapalitan ang ating OPM songs sikat na ang KPOP sa mundong ibabaw. KPOP o Korean Pop music, Korean? Hindi natin ito naiintidihan pero tayong mga pilipino ay sadyang mahilig lang talaga sa musika  na kahit di natin ito naiintindihan ay tuloy parin tayo. Ayon sa mga survey na aking nabasa maganda daw ang tempo ng mga KPOP songs di tulad sa OPM. Nakaktulog daw ang OPM kesyo ang melodiya nito di tulad daw sa KPOP sobrang alive lang. Na kahit di daw daw nila ito naiintindihan ay maganda parin pakinggan. Minsan ay aking nabalitaan na isinusulong sa kongreso ang pag baban ng Kpop sa Pilipinas. Natural lang yun dahil ang sabi ay MAHALIN ANG SARILING ATIN pero masisi ba natin kung ang mga tao sa panahon ngayon ay mas gusto nila ang mga kanta mula sa ibang kultura. Kayo? ano sa inyo? KPOP? o OPM?

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento