Martes, Mayo 20, 2014

Ang susi ng KINABUKASAN

4th year na pala ako. Ibig sabihin naghihintay na ang sangkatutak na mga entrance exam para sa akin.Ang mga exam kung saan magdidikita kung saan ako mag kokoleheyo. Uso naman sa mga requirements ang Mongol 2 na lapis para gamiting panulat sa pagsagot ng exam.

Mongol 2 naman ang bida. Mongol 2 na siyang magdidikta sa ating kinabukasan, isang simpleng lapis kung saan dito nakasalalay ang ating hinaharap. Isang simpleng lapis na labis nating pasasalamatan. Sa pitong piso ay hawak na nito ang hinaharap mo.

Sa loob ng ilang oras mong pagsasama sa lapis na ito, bawat sulat mo nito ay may kasamang paninigurado at determinasyon na sana ikaw ay makapasa. Sana ang lapis na ito ay tama ang tatahakin para sa aking kinabukasan tama ang mapupuntahan. At sana ang lapis na ito ay magiging susi sa aking kinabukasan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento