Biyernes, Marso 28, 2014

Next step? 4th year?

Ang bilis ng panahon parang kailan lang pumasok ako sa institusyon ng Alabel National Science High School. Parang kailan lang kami yung pinakabata sa school pero sa darating na pasukan kami na yung pinakamatanda sa mga mag aaral. Ang bilis talaga ng panahon. Akalain mo yun nalagpasan ko ang mga mahihirap na lessons :) oh diba isang achievement na din yun!

Ngayong araw may magtatapos naman sa aming paaralan, mga memories na dapat tandaan. Sina Ate at Kuya ay mawawala na so meaning sa kami na talaga ang susunod. Nakakamiss rin ang magsuot ng puting bistida habang kasama mo yung mga magulang mo na naglalakad sa gitna pero ano pa nga ba 3rd year pa lng ako eh. Kung sabagay may isang taon pa akong natitira sa AlSci na dapat ko itong pakainggatan, isang taon ng mga masasayang alala. Nakakalungkot man na sa susunod na taon ay kami na din ang mag mamartsa nakakatuwa naman dahil nakatungtong ulit ako sa Next step ng aking buhay ang 4thyear :)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento