Biyernes, Marso 28, 2014

Next step? 4th year?

Ang bilis ng panahon parang kailan lang pumasok ako sa institusyon ng Alabel National Science High School. Parang kailan lang kami yung pinakabata sa school pero sa darating na pasukan kami na yung pinakamatanda sa mga mag aaral. Ang bilis talaga ng panahon. Akalain mo yun nalagpasan ko ang mga mahihirap na lessons :) oh diba isang achievement na din yun!

Ngayong araw may magtatapos naman sa aming paaralan, mga memories na dapat tandaan. Sina Ate at Kuya ay mawawala na so meaning sa kami na talaga ang susunod. Nakakamiss rin ang magsuot ng puting bistida habang kasama mo yung mga magulang mo na naglalakad sa gitna pero ano pa nga ba 3rd year pa lng ako eh. Kung sabagay may isang taon pa akong natitira sa AlSci na dapat ko itong pakainggatan, isang taon ng mga masasayang alala. Nakakalungkot man na sa susunod na taon ay kami na din ang mag mamartsa nakakatuwa naman dahil nakatungtong ulit ako sa Next step ng aking buhay ang 4thyear :)

sino si christine?

HAHAHA! They assume all okay lng ako. Cheerful, strong, minsanan nga lang magmahal pero alam niyang totoo ito :) Ayan si Christine! Masaya ang buhay ko yun nga lang madaming ups and downs. Isali na natin yung nawala si papa pati yung bully ako noong grade school ako. HAHAHAHA! Ang sarap nalang itawa isipin mo yun? Nalagpasan ko yun? ang lakas ko talaga! 

Yun nga lang di kasi sa lahat ng oras happy go lucky nalang tayo kumbaga just go with the flow nalang. oo nasasaktan din ako, umiiyak pero lahat ng yun ginagawa ko ng patago. ayaw ko kasi na makita ako ng iba sa ganung sitwasyon, feeling ko kasi kakaawaan nila ako kung ganun. Sabi nila na I am weak. Totoo pala yung sabi nila na A womans heart is very fragile. Ano pa nga ba? Maiyakin sa ako eh. Sabi nga nila ang buhay natin parang gulong yan at oo naniniwala ako sa kung sino man ang nagsabi nun :) HAHAHAH! Dami kong sat sat ano? HAHAHA